Ang LUNGSOD NG VALENZUELA ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Kalakhang Maynila at napaliligiran ng mga lungsod ng Quezon, Caloocan, Malabon, Navotas, at ng Meycauayan at Obando ng lalawigan ng Bulacan. Malaon nang may umiiral na pamayanan sa lugar na ito bago pa man dumating ang mga Espanyol, at nagkaroon ng reorganisasyon ng nasabing pamayanan batay sa konsepto ng isang pueblo nang itatag ang parokya ng San Diego de Alcala noong 1623. Ang bayan na ito ng Polo ang pinagmulan ng mga bayan ng Obando at ng Novaliches, kung saan ay ilang bahagi ng bayan ng Polo ang napunta sa kanila nang ang dalawang bayang ito ay nagsarili na. Naging bayan ng mga Pilipinong nakipaglaban sa mga mananakop at naging bahagi ng Himagsikang Pilipino ng 1896 at ng Digmaang Pilipino-Amerikano ng 1901, at ipinakita muli ang kanilang katapangan noong Labanan para sa Pagpapalaya ng Polo ng 1945. Minsang hinati at pinag-isang muli sa isang bagong pangalan na Valenzuela noong 1963, ang bayan ay naging ganap na bahagi ng Kalakhang Maynila noong 1975 at naging isang ganap na lungsod noong 1998.


MGA SALAYSAY TUNGKOL SA KASAYSAYAN, KULTURA AT LIPUNAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

Si Kapitan Delfin Velilla

Isinilang si Delfin Velilla y Paez noong Marso 1, 1868 sa barrio ng Balangkas, bayan ng Polo. Ang kanyang mga magulang ay sina Luis Velilla, isang manunugtog ng biyulin at isang nagngangalang “Aling…

Keep reading

Si Heneral Tiburcio de Leon

Ipinanganak si Tiburcio de Leon y Gregorio ng taong 1862 sa nayon ng Pugad-Baboy (ngayon ay Barangay Gen. T. De Leon) kina Pedro de Leon at Florencia Gregorio, kapwa mga mamamayan ng bayan…

Keep reading

Ang Labanan sa Malinta ng 1899

(Pagkilala sa sinulat na saysay ni dating KWF Komisyoner Jerry B. Gracio na “Ang Pagkubkob sa Malinta” na nagsagawa ng detalyadong pagtalakay hinggil sa naganap na Labanan sa Malinta, na pinaghalawan ng bahagi…

Keep reading

Ang Hacienda de Malinta

Ang Hacienda Malinta, na dating bahagi ng isang maalking lupang tinawag noon na San Juan de Buenavista, ay matatagpuan sa loob ng hurisdiksyon ng bayan ng Polo, Bulacan. Ito ay may sukat na…

Keep reading

DR. PIO VALENZUELA: KATIPUNERO. LINGKOD-BAYAN. BAYANI.

2 thoughts on “

Add yours

  1. sir, good day. maaari po ba namin gamitin ang blog mo bilang reference sa gagawin namin lesson exemplar sa Araling Panlipunan?

    Like

Leave a comment

Blog at WordPress.com.

Up ↑

Design a site like this with WordPress.com
Get started